Sabado, Hulyo 5, 2014

Lesson Plan



Banghay Aralin



I.              Layunin
Pagkatapos ng talakayan inaasahan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.    Nasusuri ang mga tauhan sa akdang “Ang Bagong Paraiso”
2.    Naipapaliwanag ang mga karakter sa kwentong binasa
3.    Napahahalagahan ang mga aral na napuna sa kwento

II.            Paksang-Aralin

·         Paksa : Ang Bagong Paraiso
·         Reperensya :  “Panitikang Filipino “
ni Alita I. Tepace, Ph. D
·         Pahina : 50-53
·         Materyales : Laptop at projector

III.           Pamamaraan

A.   Pasimulang Gawain

·         Pagbabalik-aral
Simpleng pagbabalik tanaw sa mg apaksang tinalakay noong nakaraang diskusyon.
·         Pagganyak

IIpapakita sa mga mag-aaral ang iba-ibang larawan gamit ang slide show at ipapaliwanag kung ano ang nasa larawan na tatalakayin ng guro.

B.   Paglinang na Gawain


·         Paglalahad

May mga gupit- gupit na larawan sa upuan ng mga mag-aaral. Ipapabuo ito sa mga mag-aaral at gamit ang mga larawang itong ipapahula sa kanila kung ano ang tatalakayin.

·         Pagtatalakay

Itatalakay  ng guro ang kwentong “ Ang bagong Paraiso
·         Pagpapahalaga

Magtatanong ang guro kung ano ang mga aral sa kwento?

C.   Pangwakas na Gawain

·         Paglalahat
Ang mga mag-aaral ay magbibigay buod sa kwentong kanilang itinalakay.
IV.          Pagtataya
Bumuo ng isang sanaysay bata sa kwentong kanilang itinalakay.





V.           Takdang Aralin


Ipapangkat ang mga mag-aaral sa dalawa. Ang bawat grupo ay maaring ilahad ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng tula o awit.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento